Noong bata pa ako sinasabi sa akin ng magulang ko na mag-aral daw akong mabuti. Kasi un lang daw maipapamana nilang hindi mawawala sa akin, ang katalinuhan. Noon hindi ko pa maintindihan ang mga sinasabi sa akin ng aking magulang. Kaya nung nag elementary ako, oo, medyo nahihirapan talaga akong mag-aral mas gusto ko pa ung makipagharutan sa mga kaklase kong mga tamad tulad ko. Pero naagapan din naman un kasi...
“anak patingin nga ng mga notebook mo..”
...sa tuwing naririnig ko ang dialogong ito mula sa aking magulang, naku, panigurado malakas ang kabog ng puso ko. Kasi alam kong makikita nanaman nila ang mga notebook kong walang sulat at mga seatwork na 0/5,0/10... ang mga score. Sa mata pa lang ng nanay ko, kakabahan ka na. kapag nakita ang mga ebidensiya ng aking mga katamaran, dalawa lang yan:
1. SINTURON 2. ASIN
pero ang kadalasan kong nalalasap eh yung una… kasi yung pangalawa eh kapag may pupuntahan pa ang mga magulang ko...
“bakit wala ka nanamang sinulat bata ka, hala sige kunin mo ung SINTURON ng daddy mo at DUMAPA KA!!”
kapag ganito ang parusa sa akin dali-dali akong papanik sa kwarto namin tapos dodoblihin ko ung shorts ko, para di masyadong masakit kapag pinalo.. yan ang natutunan ko sa mga kuya ko, kasi pag sila ang pinapalo ganun din ang ginagawa nila. Tpos nun ibaba ko na ung sinturon at sabay pwesto sa minamahal kong supa (dito kasi kami lagi dumadapa pag pinapalo kami...). pero minsan wa epek yung ganitong stilo, kasi ang lakas ng palo sa akin, kaya tumatagos yung pressure.
Dahil dito, nabago nang kaunti ang lifestyle ko, medyo nadagdagan ang pagsisipag ko sa pag-aaral. Lagi nila akong tinuturuan ng mommy ko, nung una nahihirapan ako pero nung mag quiz ako sa math nung grade 3 ako, nagging maganda ang resulta ng aking pag pupursige, naka perfect din ako sa wakas. Natuwa ako nang Makita ko ang resultang ito, naisip ko tuloy na masarap pa lang mag-aral. Kaya tuloy simula noon lagi akong nakakakuha sa math ng mataas na grade. Dahil dito pinababayaan na ako ng mommy ko na mag-aral mag isa.
Pero sa science eh medyo bokya pa rin ako. Kaya yung naman ang pinag-aralan ko at siyempre tulad nung sa math maganda din ang nagging resulta matataas na grades ulit ang nakukuha kapag may exam. Pero ang kinaasaran ko sa lahat na subject at hindi ko maintindihan eh yung English at Filipino, sa iba madali ito pero sa akin hirap na hirap ako. Kahit pag-aralan ko ng mabuti, wa epek ang effort ko.
Pag dating ko ng grade-4 inilipat kaming magkakapatid sa Methodist school, dito medyo tinamaan nanaman ako ng sakit na KATAMS, ang konti lang kasi namin dito. Mabibilang mo kami gamit ang mga daliri mo sa kamay at paa. At iisa lamang ang section kada baitang. Nagulat ako ng Makita ko dun ung kaiskwela ko sa dati kong skul, pareho pala kaming lumipat nang skul, at siyempre mag kaklase ulit kami. Natatawa ako nang malaman kong ako pa lang tule sa mga lalaki, ito kasi ang batayan namin dati nang pagiging lalaki. Siyempre ako ang bida sa mga lalaki, kasi lahat sila supot pa,
Ahehehe... –ito ang lagging nasa isip ko kapag napaguusapan naming mga lalaki ang ganitong usapin.
Buhay Pedro ni Laong Laing
Buhay Pedro, ito ay isang storya tungkol sa buhay ng isang normal na batang pinoy, na kung saan gustong ipamahagi ang kanyang mga karanasan sa buhay. siya nga pala, wala masyadong importanteng bagay dito.. gusto ko lang magkwento.
A Word Of WisdoM
"Wisdom is not a product of schooling but of the lifelong attempt to acquire it." -Albert Einstein