Grade 4 ako nang lumipat ako ng school, at sa nilipatan kong school aw, dito ko unang naramadaman ung sinasabing paghanga sa isang babae, tatlo silang nagustuhan ko. Ehehe.. ewan ko ba anu yung naramadaman ko nun, nung first day ko nakita yung dalawang babae na yun, tapos kinabukasan ayun meron pa palang isa, may lahing australiana (sabi ko tuloy, ui foreigner…). Maganda yung tatlong babaeng yun, pero mas umiral pa rin sa akin ang pagiging bata nung mga panahon na yun.
Kaya first week pa lang inasar ko na agad sila, kasama ko yung isa kong kaklase dun sa dati kong school.
Kaming dalawa ang pasimuno ng kakulitan nung grade 4, pero may makulit din pala dun.. kaya naging kasama narin namin siya kakulitan.. kaya tatlo na kaming pasimuno ng kulitan sa klase.
Anim kaming lalaki at siyam lahat nang babae, pero sa anim nay un 5 lang kaming makukulit. Kasi yung isa eh masyadong inosente at masyadong seryoso sa pag-aaral, tahimik pa… iyakin din pala minsan… pero mabait…at higit sa lahat siya ang top 1 namin ( nagmana ata sa akin…. Ehehe… biro lang…). Masaya ang grade four year ko kasi mas natuto akong maging kristiyano, Methodist school yung pinasukan ko.
Lahat nang teacher ko mababait, pero tulad ng dati bokya pa rin ako pag dating sa Filipino at English. Kahit lumipat na ako hirap pa rin ako, ewan ko ba sa utak ko. Nahihirapan ako sa mga itinuturo ng teacher ko sa English, puro na lang verb, adjective, preposition, noun ang mga naririnig ko, naiisip ko tuloy minsan….
“nakakain ba ang noun? Bakit puro yan ang sinasabi ni Ma’am?”
Nalulungkot ako minsan pag walang ginagawa sa klase, kapag tipong absent yung teacher. Ang konti lang kasi naming eh, at ang liit pa ng classroom. Wala akong ginagawa kundi mang asar ng babae, sila kasi ang masarap asarin… pero minsan tinatamad na rin ako eh… at kapag napikon na sila sa pang aasar ko… naku… yari nanaman ang buhok ko, kasi sasabunutan nanaman nila ako hanggang sa humingi ako ng sorry, pero niminsan di ko yun ginawa. Kaya pag hindi pa sila nakuntento, hala kukunin na nila yung super weapon nila… ang WALIS at TAMBO. Yan ginagamit nila pamalo sa amin, tapos pagtutulungan ka pa nila hahawakan at tsaka ka papaluin. Masyadong brutal ang mga kaklase kong babae, pero kapag ganun na ang sitwasyon tatakbo na ako pababa at pupunta na ako sa canteen, tapos hihintayin na naming mga lalaki ang susunod na subject. Dun safe na kami.
Pag dating nang uwian bibirahin ko nanaman sila ng asar, lalona’t kapag kasama ko yung katandem ko sa pangaasar, ayun mag-uusok nanaman ang mga ilong nila sa galit at hahabulin nanaman kami. Pero lagi silang bigo kasi runner kaming dalawa eh, at may sundo pa kami yung nanay ng bestfriend ko. Kaya ligtas kami sa hagupit ng walis at tambo.
Buhay Pedro ni Laong Laing
Buhay Pedro, ito ay isang storya tungkol sa buhay ng isang normal na batang pinoy, na kung saan gustong ipamahagi ang kanyang mga karanasan sa buhay. siya nga pala, wala masyadong importanteng bagay dito.. gusto ko lang magkwento.
A Word Of WisdoM
"Wisdom is not a product of schooling but of the lifelong attempt to acquire it." -Albert Einstein