kabanata VII
First day, first late, astig. Pagdating ko sa pinto ng classroom, buti na lang at wala pang guro pero puno na ang classroom ko. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi, nasanay kasi ako na kakaunti lang ang aking mga kaklase. Alam ko na isa to sa mga pagbabagong kailangan kong harapin. Pumasok ako sa classroom ng buong tapang, iisa na lang ang silya doon. Mukhang para sa akin na talaga at mukhang kanina pa hinhintay ang mainit kong pwet. Tahimik ang lahat, halatang walang magkakakilala, mabibingi ka sa sobrang tahimik. Naalala ko bigla ang sinabi ng nanay ko,
“Anak mag-aral ka ng mabuti sa bago mong school, puro matatalino ang mga nagaaral diyan...”
Napagisip-isip ko tuloy, “mga nerd ba mga estudyante dito?”. Lalo akong kinabahan, kasi puro bokya ako noong elementarya baka hindi ako makasabay sa kanila. Para mapawi ang kaba ko, tinambol tambol ko ang arm chair ko, ako lang talaga ang gustong mag-ingay, talagang seryoso ang lahat walang naguusap-usap. Maya maya pa ay dumating ang isang guro at sinabing na late ang aming adviser kung kaya’t siya na muna ang pansamantalang hahawak sa amin. Sinabi niya na magkakaroon ng orientation sa auditorium maya maya.
“ok bago tayo pumunta ng auditorium para sa orientation niyo, magpapakilala muna kayo isa-isa sa harap…”
kabanata VII
coming soon!!
sa May0 10, 2007.. may update na toh!!
m a h a l k i t a
Malayo ka man, nais kong malaman mo
ikAw ang siyang laman nitong damdamin.
Hayaan mong saksi ang buwan at araw
sA pahayag nitong puso. Aking ilaw,
Laan lang sa’yo ang wagas kong pag-ibig.
Kung sakaling ako’y iyong naririnig,
sInta, pag-ibig kong ito’y totoo
kamaTaya’y di hadlang sa pagibig ko,
tAnging hiling ko’y, ang matamis mong oo.
Ka-Ibi-Gan
sa aking pag-iisa,
tila walang sayang natatamasa.
ako'y nabubugnot,
sa buhay kong ka'y lungkot.
kayo'y dumating
sa di inaaasahang panahon,
ako'y inyong sinagip
sa panaghoy ng kahapon.
sa tuwing kyo ang kasama,
sa mga problemang pinagtulungan,
sa mga tawanang pinagsaluhan,
anung ligaya ang nadarama.
salamat, salitang hindi masambit
kapag kayo'y kaharap,
subalit ngayon buong sigaw kong sasabihin..
mare, pare salamat sa inyo..
Sa aking mga Katoto..
ako'y nababahala,
ako'y nalilito,
ako'y nagdadalamhati,
ako'y nalulungkot,
ako'y di makapagsalita,
ako'y naguguluhan,
ako'y may agam-agam,
ako'y nagdidiliryo,
sapagkat sa paglipas ng panahon,
tila di ko na maaninag,
di maaninag ang mga pangyayaring,
sa buhay ko'y nagbigay kulay,
ang totoo ay,
hindi ko na maalala ang nakaraan!
kung kaya't pansamantalang mapuputol ang storya...
Kabanata VI
Mabilis na natapos ang bakasyon, Hindi ko man lang namalayan na tapos na pala ang panahon ng pagiging isang prinsipe. Ngayon, tuluyan ko na talagang iiwanan ang pagiging bata. Heto na at nalalapit na ang pasukan, isang bagong simula, isang bagong kabanata ng aking buhay ang mabubuksan. Sa pagkakataong ito kailangan na ng pagbabago. Pagbabago sa pag-aaral, pagbabago sa ugali, at pagbabago sa buhay.
Dumating ang araw ng pasukan. Madaling araw pa lang, gumising na ang tatay ko para ipagluto ako ng aking almusal, matapos siyang magluto, ako’y kanyang ginising. Tulog mantika ako, kaya madalas na ginagawa ng tatay ko para magising ako, hinahampas ang hita ko. Weird noh? Pero effective sa akin yun. Mababakas sa aking mukha ang pagiging puyat, alam mo kung bakit? Hindi kasi ako nakatulog sa kakaisip kung anung uri ng mga tao ang makakasalamuha ko sa bago kong paaralan. Kumain ako ng almusal na parang isang normal na araw lang. nagsipilyo, naligo, at nagbihis..
Madaling araw ng inihatid ako ng aking ama papasok sa iskwelahan.
“Tingnan mo ang section mo sa bulletin board niyo…”
…”sige po..”
Maaga pa ng makarating ako sa bago kong iskwelahan, higit na mas malaki ang bago kong iskwelahan kumpara sa dati. Wala pang masyadong estudyante sa bago kong tahanan, umupo ako sa bakanteng silya. Habang lumilipas ang oras, unti-unting dumadami ang mga estudyante, unti-unti na ring lumalakas ang kabog sa aking dibdib. Kinakabahan na ko, dati kasi nung ako’y nasa elementarya pa, kapag bago ako sa isang iskwelahan, lagi kong kasama ang nanay ko. Siya ang nagiging kakampi ko sa aking pagiisa. Subali’t ngayon ako na lang magisa, walang kakampi, walang sandalan kundi ako lang.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng tumunog na ang bell. Madami na ang tao, marami nang estudyante. Ngayon ko lang ulit to naranasan, ang makakita ng maraming estudyante. Lumipas pa ang ilang oras at unti-unting nauubos ang mga estudyanteng kanina’y hindi mahulugan ng karayong. Ayun at prenteng-prente akong nakaupo sa isang tabi, walang pakialam sa mundo’t nagmamasid sa kapaligiran. Lumipas pa ang ilang minuto, Nagtataka ako kung bakit ganun? Kanina lamang napakaraming estudyante at ngayon ay wala na akong makita kundi mga nanay na nagsisipaguwian. Nang biglang may lumapit sa akin na guardiya.
“boy alas otso y’media na, cutting ka na..” pabirong salita…
“po?!”
“freshman ka ba?”
“opo..”
“kaya naman pala haha… naku’t kunin mo na ang section mo dun sa bulletin board, ayun oh ng makapasok ka na sa klase mo.. late ka na..”
Naisip ko bigla, kaya pala nagkukumpulan ang mga estudyante’t nanay sa blackboard na yun…
“Ho!! Sige po salamat…”
Grabeh! Ang aga kong gumising, ang aga kong nakarating sa skul, prenteng-prenteng nakaupo, simpleng instruction , nakalimutan ko pa…
Kabanta V.5
Wow, bakasyon na! wala na akong iintindihinng mga bagay-bagay konektado sa iskwelahan, wala na munang mga takdang iintindihin, wala na munang sermon na maririning galing sa mga guro. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, sapagkat wala na rin munag mga kaklase na madalas kong kakulitan. Ngayon, ako lang din muna mag-isa. Pero ang lahat ng yan ay pansamantala lang muna, dahil oras ko ngayon para maging payapa.
Tuwing sasapit ang bakasyon, madalas nasa bahay lang ako. Parang isang prinsipe, kain,tulog, laro lang ang ginagawa. Samantalang ang ibang batang kasing edad ko, ayun at nakabilad sa araw at nagpapakahirap magtrabaho makakain lang na kadalasan ay naaabuso. Wala pa nga talaga akong alam sa buhay ng mga panahong iyon. Tanging sarili ko lang ang iniintindi.
Tuwing bakasyon nagkakaroon din kami ng swimming, sa sobrang init ba naman.. summer na kasi.. pumupunta kami sa mga beach, resort, para mag relax. Sa buhay natin kailangan din kasi natin ang pagrerelax mula sa pagtratrabaho, pagaaral, at iba pa. masarap lumangoy, kahit madalas nalulunod ako. Masaya ako kasi nararanasan ko ang mga ganitong bagay, samantalang ang ibang bata na kasing edad ko, ayun lumalangoy din sila, hindi para mag relax o mag pakasaya. Lumalangoy sila para mabuhay, lumalangoy sila para makaipon ng pangmatrikula sa susunod na taon. Lumalangoy sila mula madaling araw hanggang umaga para makarami ng huling isda.Upang maibenta sa palengke.
Bilib ako sa mga batang ito kaya na nilang buhayin ang kanilang mga sarili, samantalang ako eh.. umaasa sa kaban ng aking mga magulang. Pero sa kabila ng aking paghanga ako’y naaawa din sa kanila, sapagkat maaga silang namulat sa totoong kulay ng mundo, maaga silang nagkaroon ng responsibilidad, hindi man lang nila naranasan ang pagiging bata.