Kabanta V.5
Thursday, March 29, 2007 0 comments

Wow, bakasyon na! wala na akong iintindihinng mga bagay-bagay konektado sa iskwelahan, wala na munang mga takdang iintindihin, wala na munang sermon na maririning galing sa mga guro. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, sapagkat wala na rin munag mga kaklase na madalas kong kakulitan. Ngayon, ako lang din muna mag-isa. Pero ang lahat ng yan ay pansamantala lang muna, dahil oras ko ngayon para maging payapa.

Tuwing sasapit ang bakasyon, madalas nasa bahay lang ako. Parang isang prinsipe, kain,tulog, laro lang ang ginagawa. Samantalang ang ibang batang kasing edad ko, ayun at nakabilad sa araw at nagpapakahirap magtrabaho makakain lang na kadalasan ay naaabuso. Wala pa nga talaga akong alam sa buhay ng mga panahong iyon. Tanging sarili ko lang ang iniintindi.

Tuwing bakasyon nagkakaroon din kami ng swimming, sa sobrang init ba naman.. summer na kasi.. pumupunta kami sa mga beach, resort, para mag relax. Sa buhay natin kailangan din kasi natin ang pagrerelax mula sa pagtratrabaho, pagaaral, at iba pa. masarap lumangoy, kahit madalas nalulunod ako. Masaya ako kasi nararanasan ko ang mga ganitong bagay, samantalang ang ibang bata na kasing edad ko, ayun lumalangoy din sila, hindi para mag relax o mag pakasaya. Lumalangoy sila para mabuhay, lumalangoy sila para makaipon ng pangmatrikula sa susunod na taon. Lumalangoy sila mula madaling araw hanggang umaga para makarami ng huling isda.Upang maibenta sa palengke.

Bilib ako sa mga batang ito kaya na nilang buhayin ang kanilang mga sarili, samantalang ako eh.. umaasa sa kaban ng aking mga magulang. Pero sa kabila ng aking paghanga ako’y naaawa din sa kanila, sapagkat maaga silang namulat sa totoong kulay ng mundo, maaga silang nagkaroon ng responsibilidad, hindi man lang nila naranasan ang pagiging bata.



Buhay Pedro ni Laong Laing
Buhay Pedro, ito ay isang storya tungkol sa buhay ng isang normal na batang pinoy, na kung saan gustong ipamahagi ang kanyang mga karanasan sa buhay. siya nga pala, wala masyadong importanteng bagay dito.. gusto ko lang magkwento.

A Word Of WisdoM
"Wisdom is not a product of schooling but of the lifelong attempt to acquire it." -Albert Einstein

recent updates

drop a tag




long time ago
March 2007
April 2007
May 2007

resources
designer: ambivalente
brushes: fm.net