Sa aking mga Katoto..
Friday, March 30, 2007 0 comments

ako'y nababahala,
ako'y nalilito,
ako'y nagdadalamhati,
ako'y nalulungkot,
ako'y di makapagsalita,
ako'y naguguluhan,
ako'y may agam-agam,
ako'y nagdidiliryo,
sapagkat sa paglipas ng panahon,
tila di ko na maaninag,
di maaninag ang mga pangyayaring,
sa buhay ko'y nagbigay kulay,
ang totoo ay,
hindi ko na maalala ang nakaraan!
kung kaya't pansamantalang mapuputol ang storya...



Kabanata VI
Thursday, March 29, 2007 0 comments

Mabilis na natapos ang bakasyon, Hindi ko man lang namalayan na tapos na pala ang panahon ng pagiging isang prinsipe. Ngayon, tuluyan ko na talagang iiwanan ang pagiging bata. Heto na at nalalapit na ang pasukan, isang bagong simula, isang bagong kabanata ng aking buhay ang mabubuksan. Sa pagkakataong ito kailangan na ng pagbabago. Pagbabago sa pag-aaral, pagbabago sa ugali, at pagbabago sa buhay.

Dumating ang araw ng pasukan. Madaling araw pa lang, gumising na ang tatay ko para ipagluto ako ng aking almusal, matapos siyang magluto, ako’y kanyang ginising. Tulog mantika ako, kaya madalas na ginagawa ng tatay ko para magising ako, hinahampas ang hita ko. Weird noh? Pero effective sa akin yun. Mababakas sa aking mukha ang pagiging puyat, alam mo kung bakit? Hindi kasi ako nakatulog sa kakaisip kung anung uri ng mga tao ang makakasalamuha ko sa bago kong paaralan. Kumain ako ng almusal na parang isang normal na araw lang. nagsipilyo, naligo, at nagbihis..

Madaling araw ng inihatid ako ng aking ama papasok sa iskwelahan.

“Tingnan mo ang section mo sa bulletin board niyo…”
…”sige po..”

Maaga pa ng makarating ako sa bago kong iskwelahan, higit na mas malaki ang bago kong iskwelahan kumpara sa dati. Wala pang masyadong estudyante sa bago kong tahanan, umupo ako sa bakanteng silya. Habang lumilipas ang oras, unti-unting dumadami ang mga estudyante, unti-unti na ring lumalakas ang kabog sa aking dibdib. Kinakabahan na ko, dati kasi nung ako’y nasa elementarya pa, kapag bago ako sa isang iskwelahan, lagi kong kasama ang nanay ko. Siya ang nagiging kakampi ko sa aking pagiisa. Subali’t ngayon ako na lang magisa, walang kakampi, walang sandalan kundi ako lang.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng tumunog na ang bell. Madami na ang tao, marami nang estudyante. Ngayon ko lang ulit to naranasan, ang makakita ng maraming estudyante. Lumipas pa ang ilang oras at unti-unting nauubos ang mga estudyanteng kanina’y hindi mahulugan ng karayong. Ayun at prenteng-prente akong nakaupo sa isang tabi, walang pakialam sa mundo’t nagmamasid sa kapaligiran. Lumipas pa ang ilang minuto, Nagtataka ako kung bakit ganun? Kanina lamang napakaraming estudyante at ngayon ay wala na akong makita kundi mga nanay na nagsisipaguwian. Nang biglang may lumapit sa akin na guardiya.

“boy alas otso y’media na, cutting ka na..” pabirong salita…
“po?!”
“freshman ka ba?”
“opo..”
“kaya naman pala haha… naku’t kunin mo na ang section mo dun sa bulletin board, ayun oh ng makapasok ka na sa klase mo.. late ka na..”


Naisip ko bigla, kaya pala nagkukumpulan ang mga estudyante’t nanay sa blackboard na yun…

“Ho!! Sige po salamat…”


Grabeh! Ang aga kong gumising, ang aga kong nakarating sa skul, prenteng-prenteng nakaupo, simpleng instruction , nakalimutan ko pa…



Kabanta V.5
0 comments

Wow, bakasyon na! wala na akong iintindihinng mga bagay-bagay konektado sa iskwelahan, wala na munang mga takdang iintindihin, wala na munang sermon na maririning galing sa mga guro. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, sapagkat wala na rin munag mga kaklase na madalas kong kakulitan. Ngayon, ako lang din muna mag-isa. Pero ang lahat ng yan ay pansamantala lang muna, dahil oras ko ngayon para maging payapa.

Tuwing sasapit ang bakasyon, madalas nasa bahay lang ako. Parang isang prinsipe, kain,tulog, laro lang ang ginagawa. Samantalang ang ibang batang kasing edad ko, ayun at nakabilad sa araw at nagpapakahirap magtrabaho makakain lang na kadalasan ay naaabuso. Wala pa nga talaga akong alam sa buhay ng mga panahong iyon. Tanging sarili ko lang ang iniintindi.

Tuwing bakasyon nagkakaroon din kami ng swimming, sa sobrang init ba naman.. summer na kasi.. pumupunta kami sa mga beach, resort, para mag relax. Sa buhay natin kailangan din kasi natin ang pagrerelax mula sa pagtratrabaho, pagaaral, at iba pa. masarap lumangoy, kahit madalas nalulunod ako. Masaya ako kasi nararanasan ko ang mga ganitong bagay, samantalang ang ibang bata na kasing edad ko, ayun lumalangoy din sila, hindi para mag relax o mag pakasaya. Lumalangoy sila para mabuhay, lumalangoy sila para makaipon ng pangmatrikula sa susunod na taon. Lumalangoy sila mula madaling araw hanggang umaga para makarami ng huling isda.Upang maibenta sa palengke.

Bilib ako sa mga batang ito kaya na nilang buhayin ang kanilang mga sarili, samantalang ako eh.. umaasa sa kaban ng aking mga magulang. Pero sa kabila ng aking paghanga ako’y naaawa din sa kanila, sapagkat maaga silang namulat sa totoong kulay ng mundo, maaga silang nagkaroon ng responsibilidad, hindi man lang nila naranasan ang pagiging bata.



KaBanaTa V
Wednesday, March 28, 2007 0 comments

“Sa ating pag-aaral madalas lagi tayong tinatamad kasi ang daming takdang pinapagawa ng ating mga guro, mas inuuna natin gawin ang mga bagay bagay na gusto natin. Tulad ng paglalaro, panonood ng telebisyon, at iba pang gusto nating gawin, na kadalasan wala namang naitutulong sa ating buhay”

sa bawat pagtatapos ay may bagong simula…

Tapos na ako ng elementarya at ako’y papanik na sa mas mataas na baitang ang High school. Pero bago ang lahat siyempre sa bawat pagtatapos ng skul yr. may kasunod na…

BAKASYON!!

Anu ba ang una mong maiisip pagnalalapit na ang bakasyon?

SWIMMING!!

Matapos ang madramang pagpapaalam sa elementarya… bakasyon na! kadalasan tuwing bakasyon naga-awting kaming buong pamilya(kasama diyan ang buong pamilya, mga pinsan ko, tito’t tita ko, mga kasamahan sa bahay, mga driver lahat lahat na basta’t may koneksyon sa buong pamilya.). pero ang bakasyon na toh iba.. namimiss ko na kasi sila..
Silang mga naging kaklase ko sa elementarya..

Naiisip ko na lang bigla.. at tinawagan ko si Labs.. matagal-tagal ko na rin siya hindi tinatawagan..para sa akin, kami pa rin nung mga panahong iyon..

Paulo: hello pwede po kay M***h?
Labs: sino toh?
Paulo: si paulo po,
Labs: o, bakit?
Paulo: ui, musta ka na?
Labs: okey naman..
Paulo: musta na kayo ng boyfriend mo?
Labs: wala..
Paulo: anung wala?
Labs: wala.. as in wala..
Paulo: ah ganun ba?
Labs: …
Paulo: sige mukhang busy ka, bb..
Labs: sige, bb..

Tanga ko noh? Bakit ganun ang sinabi ko?

Matapos ang paguusap na yun, natulala ako at hindi alam ang gagawin.. sabi ko sa sarili ko, “ ganun lang ba yun? ”. ngayon ko lang naisip na bata pa nga talaga ako ng mga panahon na yun at wala pa talaga akong alam sa pag-ibig na tinatawag..



KaBanaTa IV
0 comments

Lumipas ng lumipas ang mga araw at nalalapit na ang pagtatapos ko ng elementarya..
Pero bago ang araw ng pagpapaalam nagkaroon kami ng retreat. Nagswimming kami, buong grade 6 at 4th yr. at siyempre, ang mga teachers.. siyempre di sila mawawala dun sa eksena kahit walang binayaran.. tama ba? Apihin ko ba?

Masaya ang naging retreat namin, dun din ako sinagot nung crush ko. Siyempre lagi ko siyang kinukulit. Sa totoo lang bata pa lang ako marunong na ko lumandi, palibhasa’y nanonood ako sa t.v. ng mga ganyan, lalo na yung T.G.I.S. , madalas ko itong panoorin nung nasa elementarya pa ako. Ginaya ko yung mga ginagawang moves sa panliligaw dun. Yun na siguro ang pinakamagandang araw ng buhay ko nung mga panahong iyon.

At ang pagtatapos ay dumating, masaya ako na malungkot.. hindi ko ma explain ang nararamdaman ko. Siguro kasi talagang naging close na ako sa mga kaklase ko, sa tatlong taon ba namang naging magkakaklase kami eh. Hindi ko tuloy mapigilan na umiyak,
Pero pinipigilan ko yun.. siyempre lalake ako eh.

Sa araw ng pagtatapos ko ng elementarya, naisip ko na rin na pagtatapos na rin iyon ng aming paglalaro, pagigingbata, at ng una kong pag-ibig.. sapagkat ako’y lilipat na ng skwelahan, sa ibang iskul na ako mag-aaral ng high school. Nabwibwisit nga ako sa mama ko, kasi ililipat pa ako ng skwelahan. Pero wala din naman ako magagawa kundi sumunod sa mga plano ng mama ko.

Daddy ko ang umattend sa graduation ko, wala si mama.. masyado kasi siyang busy.
Malungkot ako, kasi si daddy lang ang nakakita ng aking pagtatapos sa elementarya pero wala ako magagawa bata pa lang ako nung mga panahon na yun eh

Nung kumakanta kami ng graduation song namin.. ewan ko, hindi ko napansin na naiyak ako.. grabeh! Buti na lang at may panyo ako.. kundi jahe! Natapos ang graduation hindi ko nakausap si Labs, hindi manlang ako nakapag paalam sa kanya, hindi ko manlang nasabi sa kanya na ako’y lilipat na, hindi ko manlang nasabi sa kanya na mahal ko siya..

Bago ako umuwi kumain muna kami ni daddy sa fastfood. Madami kami kinain, nanghihinayang ako at hindi namin kasama si mama, mas maganda kasi kung pareho silang kasama ko habang nag didiwang sa aking pagtatapos ng elemntarya.

Sa pag-uwi namin bigla nanamang pumasok sa aking isip kung bakit hindi ko siya nakausap.. bakit nga ba? Puppy love lang naman yun ah? Bakit ko pa rin siya naiisip?
Ganun ba ang pag-ibig?

Sa huli wala pa rin ako magagawa, sapagkat ako’y isang bata lamang…



KaBanaTa III
Tuesday, March 27, 2007 0 comments

Marami talagang nangyari nung ako’y nasa elementarya pa. iba’t-ibang kalokohan ang aking mga pinaggagawa. Nandiyan yung pinag tripan ko yung aming principal..

May ginawa kasi akong ditiklop na papel, yung pag tiniklop tiklop mo makikita mo yung sexret message.. ayun pinakita ko

Sabi ko “ ma’am. ma’am tingnan niyo po ito..”

Siyempre hindi naman tanga principal naming.. ayun nabasa niya yung secret message..
Tumawa lang siya. Maya maya, sa classroom tinawag ako ng principal ko, ayun pinagalitan ako at pinapatawag ang mama ko.

Anak ng lakas ng kabog ng dibdib ko nun, di ko alam ang gagawin ko
First time ko kasi mapatawag ang magulang. Di ko talaga alam ang gagawin ko..
Hindi ko alam kung bakit pinapatawag ang mama ko, pero bigla kong naalala yung ginawa ko s principal. Sabi ko..

“Anu kaya koneksyon nun?”

Nung dumating mama ko, kinurot kurot ako.. sabi niya sa akin

“Humanda ka, bata ka. Mamaya tayo sa bahay…”

Ng marinig ko yun talagang kinabahan na ako, di ko na alam ang nangyayari.. hindi ko na rin na intindihan ang mga pinagsasabi niya. Basta ang iniisip ko eh yung mamaya sa bahay..

Kinausap na si mama ng principal. At ilang saglit pa at natapos na rin ang kanilang diskusyon.. at pagkatapos kinurot ulit ako ni mama..

“Ok na..Mag sorry ka sa principal niyo”

Medyo nakahinga ako dun ah.. nag sorry ako sa principal ko at nginitian lang ako..

Matapos ang insidente..

Lumapit sa akin yung kaklase ko na kasama kong gumawa ng mga ganun..

Sabi niya SORRY. sabi ko sa isip ko, “ sorry sa alin?”. Sabay alis nung kaklase kong yun. Naisip ko ulit kung bakit ako pinagalitan, eh ang nakalagay lang naman dun sa papel pag tiniklop-tiklop eh “ HI SA IYO”.

Tiningnan ko ulit yung papel, ayun pa rin naman yung nakalagay. Put* sabi ko nang Makita ko yung nakasulat sa banding ilalim ng papel. Ang nakalagay kasi eh..

BABOY! (mataba kasi yung principal namin..)



Buhay Dota
1 comments

Sa umagang kay ganda,
Gigising ng maaga,
Maliligo ng mabilis,
Hindi na kakain,
Papasok sa school,
After few minutes lalabas ng school,
Tatakbo papunta sa warzone,
Maglalaro hanggang mahilo nang mahilo,
Lalabas ng warzone,
Tanghali na pala,
Kakain ng tanghalian,
Babalik sa school para pumasok,
Pagdating sa school nakita ang barkada,
Yinaya ako,
Sumama ako,
Dumiretso kami sa warzone,
Naglaro ng DOTA,
Naubusan ng pera,
Nangutang sa tropa,
Sumapit ang gabi,
Walang nangyari,
Sa buhay kong bato,
At least CHAMPION sa DOTA!!
Ang future ko pag pinagpatuloy ko ang ganito,
BOKYA!!



KaBanaTa II
0 comments

Grade 4 ako nang lumipat ako ng school, at sa nilipatan kong school aw, dito ko unang naramadaman ung sinasabing paghanga sa isang babae, tatlo silang nagustuhan ko. Ehehe.. ewan ko ba anu yung naramadaman ko nun, nung first day ko nakita yung dalawang babae na yun, tapos kinabukasan ayun meron pa palang isa, may lahing australiana (sabi ko tuloy, ui foreigner…). Maganda yung tatlong babaeng yun, pero mas umiral pa rin sa akin ang pagiging bata nung mga panahon na yun.

Kaya first week pa lang inasar ko na agad sila, kasama ko yung
isa kong kaklase dun sa dati kong school.

Kaming dalawa ang pasimuno ng kakulitan nung grade 4, pero may makulit din pala dun.. kaya naging kasama narin namin siya kakulitan.. kaya tatlo na kaming pasimuno ng kulitan sa klase.

Anim kaming lalaki at siyam lahat nang babae, pero sa anim nay un 5 lang kaming makukulit. Kasi yung isa eh masyadong inosente at masyadong seryoso sa pag-aaral, tahimik pa… iyakin din pala minsan… pero mabait…at higit sa lahat siya ang top 1 namin ( nagmana ata sa akin…. Ehehe… biro lang…). Masaya ang grade four year ko kasi mas natuto akong maging kristiyano, Methodist school yung pinasukan ko.

Lahat nang teacher ko mababait, pero tulad ng dati bokya pa rin ako pag dating sa Filipino at English. Kahit lumipat na ako hirap pa rin ako, ewan ko ba sa utak ko. Nahihirapan ako sa mga itinuturo ng teacher ko sa English, puro na lang verb, adjective, preposition, noun ang mga naririnig ko, naiisip ko tuloy minsan….

“nakakain ba ang noun? Bakit puro yan ang sinasabi ni Ma’am?”

Nalulungkot ako minsan pag walang ginagawa sa klase, kapag tipong absent yung teacher. Ang konti lang kasi naming eh, at ang liit pa ng classroom. Wala akong ginagawa kundi mang asar ng babae, sila kasi ang masarap asarin… pero minsan tinatamad na rin ako eh… at kapag napikon na sila sa pang aasar ko… naku… yari nanaman ang buhok ko, kasi sasabunutan nanaman nila ako hanggang sa humingi ako ng sorry, pero niminsan di ko yun ginawa. Kaya pag hindi pa sila nakuntento, hala kukunin na nila yung super weapon nila… ang WALIS at TAMBO. Yan ginagamit nila pamalo sa amin, tapos pagtutulungan ka pa nila hahawakan at tsaka ka papaluin. Masyadong brutal ang mga kaklase kong babae, pero kapag ganun na ang sitwasyon tatakbo na ako pababa at pupunta na ako sa canteen, tapos hihintayin na naming mga lalaki ang susunod na subject. Dun safe na kami.

Pag dating nang uwian bibirahin ko nanaman sila ng asar, lalona’t kapag kasama ko yung katandem ko sa pangaasar, ayun mag-uusok nanaman ang mga ilong nila sa galit at hahabulin nanaman kami. Pero lagi silang bigo kasi runner kaming dalawa eh, at may sundo pa kami yung nanay ng bestfriend ko. Kaya ligtas kami sa hagupit ng walis at tambo.



KaBanaTa I
0 comments

Noong bata pa ako sinasabi sa akin ng magulang ko na mag-aral daw akong mabuti. Kasi un lang daw maipapamana nilang hindi mawawala sa akin, ang katalinuhan. Noon hindi ko pa maintindihan ang mga sinasabi sa akin ng aking magulang. Kaya nung nag elementary ako, oo, medyo nahihirapan talaga akong mag-aral mas gusto ko pa ung makipagharutan sa mga kaklase kong mga tamad tulad ko. Pero naagapan din naman un kasi...

“anak patingin nga ng mga notebook mo..”

...sa tuwing naririnig ko ang dialogong ito mula sa aking magulang, naku, panigurado malakas ang kabog ng puso ko. Kasi alam kong makikita nanaman nila ang mga notebook kong walang sulat at mga seatwork na 0/5,0/10... ang mga score. Sa mata pa lang ng nanay ko, kakabahan ka na. kapag nakita ang mga ebidensiya ng aking mga katamaran, dalawa lang yan:

1. SINTURON
2. ASIN

pero ang kadalasan kong nalalasap eh yung una… kasi yung pangalawa eh kapag may pupuntahan pa ang mga magulang ko...

“bakit wala ka nanamang sinulat bata ka, hala sige kunin mo ung SINTURON ng daddy mo at DUMAPA KA!!”

kapag ganito ang parusa sa akin dali-dali akong papanik sa kwarto namin tapos dodoblihin ko ung shorts ko, para di masyadong masakit kapag pinalo.. yan ang natutunan ko sa mga kuya ko, kasi pag sila ang pinapalo ganun din ang ginagawa nila. Tpos nun ibaba ko na ung sinturon at sabay pwesto sa minamahal kong supa (dito kasi kami lagi dumadapa pag pinapalo kami...). pero minsan wa epek yung ganitong stilo, kasi ang lakas ng palo sa akin, kaya tumatagos yung pressure.

Dahil dito, nabago nang kaunti ang lifestyle ko, medyo nadagdagan ang pagsisipag ko sa pag-aaral. Lagi nila akong tinuturuan ng mommy ko, nung una nahihirapan ako pero nung mag quiz ako sa math nung grade 3 ako, nagging maganda ang resulta ng aking pag pupursige, naka perfect din ako sa wakas. Natuwa ako nang Makita ko ang resultang ito, naisip ko tuloy na masarap pa lang mag-aral. Kaya tuloy simula noon lagi akong nakakakuha sa math ng mataas na grade. Dahil dito pinababayaan na ako ng mommy ko na mag-aral mag isa.

Pero sa science eh medyo bokya pa rin ako. Kaya yung naman ang pinag-aralan ko at siyempre tulad nung sa math maganda din ang nagging resulta matataas na grades ulit ang nakukuha kapag may exam. Pero ang kinaasaran ko sa lahat na subject at hindi ko maintindihan eh yung English at Filipino, sa iba madali ito pero sa akin hirap na hirap ako. Kahit pag-aralan ko ng mabuti, wa epek ang effort ko.

Pag dating ko ng grade-4 inilipat kaming magkakapatid sa Methodist school, dito medyo tinamaan nanaman ako ng sakit na KATAMS, ang konti lang kasi namin dito. Mabibilang mo kami gamit ang mga daliri mo sa kamay at paa. At iisa lamang ang section kada baitang. Nagulat ako ng Makita ko dun ung kaiskwela ko sa dati kong skul, pareho pala kaming lumipat nang skul, at siyempre mag kaklase ulit kami. Natatawa ako nang malaman kong ako pa lang tule sa mga lalaki, ito kasi ang batayan namin dati nang pagiging lalaki. Siyempre ako ang bida sa mga lalaki, kasi lahat sila supot pa,

Ahehehe... –ito ang lagging nasa isip ko kapag napaguusapan naming mga lalaki ang ganitong usapin.



Buhay Pedro ni Laong Laing
Buhay Pedro, ito ay isang storya tungkol sa buhay ng isang normal na batang pinoy, na kung saan gustong ipamahagi ang kanyang mga karanasan sa buhay. siya nga pala, wala masyadong importanteng bagay dito.. gusto ko lang magkwento.

A Word Of WisdoM
"Wisdom is not a product of schooling but of the lifelong attempt to acquire it." -Albert Einstein

recent updates

drop a tag




long time ago
March 2007
April 2007
May 2007

resources
designer: ambivalente
brushes: fm.net